Eros S. Atalia photo

Eros S. Atalia

Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.


“May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya. Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya? Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?”
Eros S. Atalia
Read more
“Minsan ang katangahan ay parang sipon. Hindi namamalayan pero kusang dumadapo. Walang gamot. Naiiwasan sa pamamagitan ng tamang life style o pagaalaga sa sarili. Pero hindi 100% na sipon-free kahit ang pinakamalusog na tao. Kapag dinapuan, may mga paraan para mapabilis ang pagtigil. Hindi nakakahiya ang magkasipon. Natural lang yan. Pero wag naman ipagmalaki kung meron na. Wag hayaang tumulo-tulo, lumobo-lobo at ipakitang apektado ang pagsasalita, panlasa, pandinig, at paningin.Wag ipangalandakan ang katangahan, tulad ng sipon, nakakahawa at baka maraming maapektuhan. Eto ako, di lang nagpakita, inirampa pa ang katangahan.”
Eros S. Atalia
Read more
“Dati naman akong masaya bago pa dumating si Jen. Mas sumaya nga lang nang dumating siya. Pero bakit nang umalis siya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa siya dumating? Hindi kaya dahil imbes na isama ko si Jen sa daigdig ko, siya ang ginawa kong daigdig? Kung naging masaya ako bago dumating si Jen, pwede rin ako maging masaya kahit wala na siya. Hindi siya ang dahilan ng pag-inog ng mundo ko, hindi rin dapat siya ang dahilan ng pagtigil nito.”
Eros S. Atalia
Read more
“Di ko alam kung paano ie-explain, pero, para sa akin, ang bag ng babae ay simbolo ng kanyang daigdig. The mere fact na nag-decide ang babae na yun ang laman at bigat ng bag niya, 'yun ang personal nyang mundo. Kaya niya dinala yun kasi yun ang kaya nyang dalhin. Anytime, anywhere. Nadadala niya yun from point A to point B. Pero kapag nakakita na ng lalake, dapat lalake na ang magpatuloy ng pagdadala from point B to point C? Kapag umalis ba ang babae mula sa kanyang bahay, aware siya na may lalakeng magbibitbit ng bag niya? I don't think so. Even without the guy, dadalhin pa rin naman ng babae yun kahit saan siya magpunta. Kaya ako, hinahayaan ko lang bitbitin ng babae ang kanyang bag. Gusto kong sabihin sa kanya na with or without me, or each other, tuloy lang ang pagbibitbit ng mundo, ng kani-kaniyang daigdig.”
Eros S. Atalia
Read more
“Marami sana akong dapat maging requirement sa babaeng pwedeng ipalit kay Jen. Kaso nagising na ako sa katotohanan, na sa itsura ko at sa laman ng bulsa ko9, pahirapang makukuha ang lahat ng gusto ko.”
Eros S. Atalia
Read more
“Bakit kahit simpleng pagmamahal ay kinakailangan ng materyal na kapital?”
Eros S. Atalia
Read more
“Kumikirot ang tyan? Kumikirot ang ulo? Correlation? I therefore conclude na ang utak ay parang tyan, sumasakit kapag walang laman.”
Eros S. Atalia
Read more
“Pero kung meron talagang may himala, gusto kong muling makita’t makausap si Jen. At kapag nangyari ‘yun, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Huhubarin ko na ang kahihiyan ko. Itatapon ang pag-aastig-astigan. Hindi na baleng iwan nya sa huli kapag nalaman nyang mahal ko sya, na nababaliw na ako sa kanya, na gusto kong maging officially kami na. Kung sakaling magbago sya ng isip, na hindi nya na iiwan ang lahat ng nagmamahal o nababaliw sa kanya, kung sakaling hindi na rin sya nag-astig-astigan o nagmanhid-manhidan, isusumpa ko sa ngalan ng mga lamang lupang hindi matahimik sa pagmumura ko sa gabi at mamatay man ang lasenggero naming kapitbahay… Pukang ama… Hindi ko na sya pakakawalan.”
Eros S. Atalia
Read more
“E, kung lahat kami, special... Sino pa ang hindi special? Kaya nga special , hindi pangkaraniwan. Kakaiba. Kung pareparehas kaming special, sino pa ang special? Para maging special, dapat may egg, may dalawang scoop ng ice cream, may ube't leche plan.”
Eros S. Atalia
Read more
“Kaya nga sa fairy tale, lagi na lang sinasabing 'and they live happily ever after' kasi hindi maikwento ano talaga ang naging ending. Nung magpakasal ang prinsesang maganda sa isinumpang prinsipe na naging palaka na bumalik uli sa pagiging gwapo ng prinsipe(matapos mahalikan), hindi pa naman ending yun. Kalagitnaan pa lang ng buhay nila yun. Ilan ang anak nila? Nanganak kaya ang prinsesa ng butete? Ano ang nangyari sa kanila nung tumanda sila? Sino ang unang namatay? kahit nga ang buhay sa mundo, matapos di umano ang katapusan ng mundo, magsisimula uli ang tao sa bagong paraiso. Wala pa ring closure.”
Eros S. Atalia
Read more
“Hindi naman porke’t may hiwa at dyoga ay okay na. Titigas na. Hindi naman DPWH ang kargada ko na “Basta may lubak, tambak. Basta may butas, pasak.”
Eros S. Atalia
Read more
“Totoo pala na kulang ang salita para sa lahat ng nararamdaman.”
Eros S. Atalia
Read more
“Mas sumaya nga lang nang dumating sya. Pero bakit nung umalis sya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa sya dumating?”
Eros S. Atalia
Read more
“Meron bang taong walang itsura? Anu yun, abstract?”
Eros S. Atalia
Read more
“Pukang ama talaga, sa karami-ramihan ng pwedeng siksikan nya, bakit sa isip pa.”
Eros S. Atalia
Read more
“Hindi lahat ng tama, totoo.”
Eros S. Atalia
Read more
“Mabuti na nga siguro yung ganito, na papaniwalain ko sya na hindi ko sya mahal at baka sakali, sa ganitong pamamaraan ay minamahal nya ako.”
Eros S. Atalia
Read more
“Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot. Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam kung ano ang iyong itatanong? Paano mo sasagutin ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang tanong. (Kunsabagay, sa buhay na ito, madalas, tama ang sagot, mali nga lang ang tanong).”
Eros S. Atalia
Read more
“Kahit nga ang buhay sa mundo, matapos di umano ang katapusan ng mundo, magsisimula uli ang tao sa bagong paraiso. Wala pa ring closure.”
Eros S. Atalia
Read more
“Kung pareparehas kaming special, sino pa ang special?”
Eros S. Atalia
Read more