“Samantalang sa tunay na buhay, pag nangyari, iyon na. Walang revision.”
“Kakabog ang dibdib mo, kikilig ang kalamnan mo, at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, ... umiibig ka!”
“Kumplikado ang tao, lalo na ang mga bakla, hindi siya dapat ikahon sa labels.”
“Alam niya habang mabilis na naglalakad palayo na hindi magtatagal ay hindi rin niya isusuko maski si Isaac. Pag naproseso na niya ang lahat at mas matapang na siya ay babalikan niya ito. Lahat naman ng bagay gaano man kasakit, pinoproseso lang.”
“Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang writer. Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang patigilin ang dyip, ilabas ang lihim ng mga pasahero, pabuhusin ang ulan upang linisin ang mga basura sa palibot, ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan.”
“Lahat naman ng bagay, gaano man kasakit, pinoproseso lang.”
“Ang Pilipino ay pinaghalohalo-halong dugo. Sumasamba kay Buddha at kay Kristo at sa mga anting-anting at Feng Shui. Sa dami ng nagsasabi sa kanya kung ano siya, nakakalimutan na nya kung sino siya.”
“Ang Pilipino sabi ni Trono kay Giselle, at sa kumpulan ng mga kinkilig na kababaihan, ay pinaghalo-halong dugo. Sumasamba ng sabay-sabay kay Buddha at kay Kristo at sa mga anting-anting at Feng Shui. Sa dami ng nagsasabi sa kanya kung ano siya, nakalimutan na niya kung sino siya.”
“Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya o masaktan o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.”
“Hindi pagkain ang kailangan ng mga kababayan natin. Ang kailangan nila ay labanan ang tunay na dahilan kung bakit wala silang makain!”
“Kaloka! Ito ba ang Pilipinas na gustong iligtas nina Lola Sepa at Emil? Iligtas mula saan? Kung sarili nga ayaw nitong iligtas! Ang gusto lang ng mga ito'y kumain, tumae, mag-Glutathione, saka pumunta sa weekend markets, mag-malling para makalibre ng air-con, mag-text ng corny jokes, sumingit sa pila ng bigas, saka umasa ng suwerte sa lotto o sa TV! Kapag may bagyo o lindol o anumang problema'y laban pero susuko din agad at makakalimot, o kaya ay magma-migrate! Ilang taon na ba ang bansang ito pero bakit hanggang ngayo'y wala pa ring pinagkatandaan?”
“Kakabog ang dibdib mo, kikiligin ang kalamnan mo at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, umiibig ka.”
“Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.”
“Ang great love mo, hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay yung correct love.”
“Mas matinding nakakaalala ang puso kaysa utak.”
“Alam nyo namang hindi tayo totoo. Gawa lang tayo sa mga letra!”
“Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.”
“Maski hindi Valentine's Day nagpamudmod ang Malakanyang ng Valentine's package na may lamang five hundred pesos, tatlong latang sardinas, at isang torotot na kapag hinipan mo ay nagsasabing I love you, love mo din ba ako? Ang fatigue na uniform ng army ay ginawang pink para daw mapalapit sa sambayanan.”