“Ang katuturan ng karanasan at istoriya'y di ang pagtanda sa mga pangyayari, kundi ang pagtatamo ng aral sa kanila.”
“Napakaraming magaling na bagay ang dapat uliranin ng Pilipinas sa Amerika. Sa kasamaang palad, tulad ng ipinangamba ni Rizal, and unang pinulot ay ang masasamang halimbawa, ang mga bisyo at kahinaan. Tinangka ng karamihang Pilipino na magbuhay-Amerikano sa wika, sa damit, sa kilos at ugali, gayong ito’y hindi maaari kalian pa man. Pilit na ipinatatakwil sa kabataan ang huwad ng gaslaw at ikot ng sa banyaga, walang nais panoorin kundi mga laro, pelikula at ibang libangang dayuhan, walang nais basahin kundi mga babasahing sinulat ng dayo at limbag sa labas ng Pilipinas. Saan patutungo ang kabataang may ganitong kamulatan?”
“Ang kahapo'y saliga ng ngayon, at ang ngayo'y haligi ng kinabukasan. Gusto kong sabihi'y ang diwa ng ating mga bayaning nangabulid sa karimla'y siya ring dapat tumanglaw sa mga nagmamahal sa bayan sa panahong ito. Pagka't ang magiging bunga ng inyong mga gawai'y siyang magbibigay ng lakas sa hahaliling salin.”
“Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang writer. Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang patigilin ang dyip, ilabas ang lihim ng mga pasahero, pabuhusin ang ulan upang linisin ang mga basura sa palibot, ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan.”
“Mga mamamayan din ang mga bumubuo ng gobyerno at sila ang higit na nakapag-aral.' 'Ngunit tulad po ng ibang tao, nagkakamali kaya hindi dapat maging bingi sa kuro-kuro ng iba.”
“Naglalaho sa loob ng klase ang mga hadlang na itinatayo ng politika upang hatiin ang mga lahi, natutunaw wari sa alab ng kaalaman at kabataan.”