“Napakaraming magaling na bagay ang dapat uliranin ng Pilipinas sa Amerika. Sa kasamaang palad, tulad ng ipinangamba ni Rizal, and unang pinulot ay ang masasamang halimbawa, ang mga bisyo at kahinaan. Tinangka ng karamihang Pilipino na magbuhay-Amerikano sa wika, sa damit, sa kilos at ugali, gayong ito’y hindi maaari kalian pa man. Pilit na ipinatatakwil sa kabataan ang huwad ng gaslaw at ikot ng sa banyaga, walang nais panoorin kundi mga laro, pelikula at ibang libangang dayuhan, walang nais basahin kundi mga babasahing sinulat ng dayo at limbag sa labas ng Pilipinas. Saan patutungo ang kabataang may ganitong kamulatan?”
“Pinapakita nyong mga dayuhang libro pa rin at mga dayuhang libro lang ang tinatangkilik ng mga tao. Bakit magsusugal ang mga publisher sa Pilipinong manunulat kung hindi naman pala mabili ang mga kwentong isinusulat ng mga Pilipino? At kung walang mga publisher na tatanggap ng mga trabaho ng mga Pilipinong manunulat, sino pa ang gugustong magsulat? Kung walang magsusulat, ano ang kahihinatnan ng panitikan sa bansa at sa kakayanan nating bumasa't sumulat?”
“Naglalaho sa loob ng klase ang mga hadlang na itinatayo ng politika upang hatiin ang mga lahi, natutunaw wari sa alab ng kaalaman at kabataan.”
“Ang katuturan ng karanasan at istoriya'y di ang pagtanda sa mga pangyayari, kundi ang pagtatamo ng aral sa kanila.”
“Hindi kokonti ang kababayan nating sa akala nila'y pwede at mabuti ang maging estaranghero sila. Ginagawa nila ito sa wika, sa damit, sa kilos. Pati sa kanilang bahay e di na kinakausap ang mga anak kung di sa Ingles, ikinahihiyang magsuot ng barong katutubo, ayaw manood ng dula ar pelikula sa sariling wika, ayaw kumain ng kanin, at sumasama ang sikmura pagka humithit ng sigarilyong di imported. Subalit nagiging katatawanan lamang sila sa tingin ng kanilang mga hinuhuwad.”
“Dahil sa pagsusulat, masasagi mo ang mga matatayog na egotismo ng ibang tao. Matatapakan mo ang mga lumpong paa ng kasalukuyang sistema. At maiistorbo mo ang siesta ng lipunang masaya na sa mga paniniwalang kinagisnan nito. Sa pagpahid ng utak mo sa papel, lahat yan babanggain mo. Kasabay ng pagbangga mo sa sariling mga takot, kamangmangan at egotismo.”