“Nakalimutan na ng tao ang kabanalan niya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa Transript of Records nya, na mas marami pa syang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume nya at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing suweldo.”

Bob Ong ABNKKBSNPLAko

Bob Ong ABNKKBSNPLAko - “Nakalimutan na ng tao ang...” 1

Similar quotes

“Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n'ya, na mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo. ”

Bob Ong
Read more

“Pukang ama talaga, sa karami-ramihan ng pwedeng siksikan nya, bakit sa isip pa.”

Eros S. Atalia
Read more

“Pero kung meron talagang may himala, gusto kong muling makita’t makausap si Jen. At kapag nangyari ‘yun, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Huhubarin ko na ang kahihiyan ko. Itatapon ang pag-aastig-astigan. Hindi na baleng iwan nya sa huli kapag nalaman nyang mahal ko sya, na nababaliw na ako sa kanya, na gusto kong maging officially kami na. Kung sakaling magbago sya ng isip, na hindi nya na iiwan ang lahat ng nagmamahal o nababaliw sa kanya, kung sakaling hindi na rin sya nag-astig-astigan o nagmanhid-manhidan, isusumpa ko sa ngalan ng mga lamang lupang hindi matahimik sa pagmumura ko sa gabi at mamatay man ang lasenggero naming kapitbahay… Pukang ama… Hindi ko na sya pakakawalan.”

Eros S. Atalia
Read more

“Ang Pilipino ay pinaghalohalo-halong dugo. Sumasamba kay Buddha at kay Kristo at sa mga anting-anting at Feng Shui. Sa dami ng nagsasabi sa kanya kung ano siya, nakakalimutan na nya kung sino siya.”

Ricky Lee
Read more

“Siguro kaya naimbento ang salita’t konseptong closure ay para sa mga tinatamad malaman ang magiging wakas. Yung mga atat na atat malaman ang ending. Yung mga naburyong na sa pagkainip sa dapat kahinatnan. Kesa nga naman maghintay sa pagkahaba-haba’t pagkatagal-tagal ng ending, mabuti pang putulin nalang.”

Eros Atalia
Read more