“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
“Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.”
“Alam mo ba kung gaano kahirap magpanggap na ok ka lang kahit hindi? Na masaya kahit gusto mo ng umiyak? Na umaasa kang magiging ok ang lahat kahit alam mong wala na talaga?”
“Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.”
“Maraming mundo ang bawat tao. Gagawin mo iyon kung wala kang makapa. Dadagdagan mo kung kulang, hahanapin kapag nawawala. Kung matagpuan na, pilit iyong tatakasan ng mga duwag at wawaratin naman ng mga matatapang para makagawa ng iba.”
“Imbis na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’, bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s’ya.”