“Ang maganda sa pag-asa, hindi ‘to nakukuha sa’yo nang hindi mo gusto.”
“Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayahan ka at gusto mong tumulong pero wag mong kalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo matutulungan ang lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka hindi ikaw ang magiging huli hindi ka solusyon. Pero hindi yun ang dahilan para mawalan ka ng pag-asa at tumigil na magbigay nito. Mang Ernesto: Kapitan Sino by Bob Ong”
“Hindi achievement ang tawag ko sa gano'n. Suwertihan lang 'yong ipinanganak ka nang maganda. Ang achievement e something you work hard to attain.”
“Maaari kasing mahalin ang isang bagay kahit hindi mo gusto, pero parang mahirap gustuhin ang isang bagay na hindi mo mahal.”
“Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong 'di mo kontrolado kung kelan siya bababa.”
“Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot. Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam kung ano ang iyong itatanong? Paano mo sasagutin ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang tanong. (Kunsabagay, sa buhay na ito, madalas, tama ang sagot, mali nga lang ang tanong).”