“At least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.”
“kung alam ko lang na pwersado rin akong magtatrabaho nang ganito, nagsikap na lang sana ako sa eskwelahan nung bata ako. parehas lang naman palang nakakapagod. at least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.”
“Yon ang mali sa tinatawag na 'cool factor.' Para maging 'in' ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.”
“Hindi para sa tamad ang pagsusulat dahil pag binisita ka ng idea, gana o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. Walang “sandali lang” o “teka muna”. Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.”
“Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayahan ka at gusto mong tumulong pero wag mong kalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo matutulungan ang lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka hindi ikaw ang magiging huli hindi ka solusyon. Pero hindi yun ang dahilan para mawalan ka ng pag-asa at tumigil na magbigay nito. Mang Ernesto: Kapitan Sino by Bob Ong”
“...kapag binisita ka ng idea, gana o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. Walang “sandali lang” o “teka muna”. Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.”