“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utakpara alagaan ang sarili mo.”
“Hindi masama ang dumayo sa banyagang lupalop upang paunlarin ang sarili. Pero kung ikaw e maunlad na'y dapat bumalik sa pinagmulan at du'n gamitin ang kaunlaran. Walang lupang dayuhan na maaari mong ipalit sa 'yong sinilangan.”
“Kakabog ang dibdib mo, kikilig ang kalamnan mo, at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, ... umiibig ka!”
“Kakabog ang dibdib mo, kikiligin ang kalamnan mo at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, umiibig ka.”
“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
“Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.”