“kuhang-kuha natin ang mga katarantaduhan ng hollyeood, pero hindi ang kaunting pagiging responsable ng mga kanluraning bansa sa isyu ng pagtayo sa sariling paa.”
“Pero sa Pilipino, magloloko ang teenager, bubuo ng pamilya...pero hindi aalis sa poder ng magulang hanggang magkaapo. Kuhang kuha natin ang mga katarantaduhan ng Hollywood, pero hindi ang kaunting pagiging responsable ng mga kanluraning bansa sa isyu ng pagtayo sa sariling paa.”
“Dahil sa pagsusulat, masasagi mo ang mga matatayog na egotismo ng ibang tao. Matatapakan mo ang mga lumpong paa ng kasalukuyang sistema. At maiistorbo mo ang siesta ng lipunang masaya na sa mga paniniwalang kinagisnan nito. Sa pagpahid ng utak mo sa papel, lahat yan babanggain mo. Kasabay ng pagbangga mo sa sariling mga takot, kamangmangan at egotismo.”
“Pinapakita nyong mga dayuhang libro pa rin at mga dayuhang libro lang ang tinatangkilik ng mga tao. Bakit magsusugal ang mga publisher sa Pilipinong manunulat kung hindi naman pala mabili ang mga kwentong isinusulat ng mga Pilipino? At kung walang mga publisher na tatanggap ng mga trabaho ng mga Pilipinong manunulat, sino pa ang gugustong magsulat? Kung walang magsusulat, ano ang kahihinatnan ng panitikan sa bansa at sa kakayanan nating bumasa't sumulat?”
“Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang writer. Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang patigilin ang dyip, ilabas ang lihim ng mga pasahero, pabuhusin ang ulan upang linisin ang mga basura sa palibot, ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan.”
“Isa rin akong Espanyol, pero bago ang pagiging Espanyol ay tao ako at bago ang Espanya ay sa ibabaw ng Espanya ay ang kanyang dangal, ang matataas na prinsipyo ng moralidad, ang mga walang-hanggang prinsipyo ng hindi nagbabagong katarungan!”