“kung alam ko lang na pwersado rin akong magtatrabaho nang ganito, nagsikap na lang sana ako sa eskwelahan nung bata ako. parehas lang naman palang nakakapagod. at least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.”
“At least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.”
“Lumala ang late, dumami ang absences. ‘Yan ang katangian ng 2 sem ko. Pero noong panahon na ‘yon hindi ko pa rin alam kung ano na nangyayari sa pag-aaral ko. May isang bagsak na subject, pero ayos lang. Kumbaga sa action film e, nadaplisan lang ako ng bala sa braso. Walang problema.”
“Hindi ako hihingi ng dispensa sa mga nabulabog kong konsensya.""Kung nasira ko man ang araw mo, o kung hindi mo ito inkinatuwa, malinaw na hindi ako ang tipo ng manunulat na gusto mong basahin. Pero hindi ito nangangahulugan ng pagkakakumpiska ng ballpen at lisensya ko para magsulat."PERO"Kung may magsasabi mn sa hinaharap na: "sana nagpatawa ka na lang!" yun ay opinyong handa kong tanggapin.”
“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang iyon ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”
“Yon ang mali sa tinatawag na 'cool factor.' Para maging 'in' ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.”
“Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng magulang ko nung bata pa 'ko. Hindi pala lahat ng bata e dumaraan sa kamusmusan.”