“Minsan pala kailangan rin ng lakas para sabihing mahina ka...”
“Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.”
“...kapag binisita ka ng idea, gana o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. Walang “sandali lang” o “teka muna”. Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.”
“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
“Yon ang mali sa tinatawag na 'cool factor.' Para maging 'in' ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.”
“Parang "Time's Up!" ang reunion,"pass your papers finished or not!" Oras na para husgahan kung naging sino ka...o kung naging magkano ka. Sino ang naging successful? Sino ang naging pinaka-successful?”