“Natapos din ang unos. Pero iba na 'ko ng makaraos. Iba na ang tingin ko sa mundo. 'Yung ibang pananaw ko, bumuti, 'yung iba...hindi ako sigurado.”
“Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon… ”
“Lumala ang late, dumami ang absences. ‘Yan ang katangian ng 2 sem ko. Pero noong panahon na ‘yon hindi ko pa rin alam kung ano na nangyayari sa pag-aaral ko. May isang bagsak na subject, pero ayos lang. Kumbaga sa action film e, nadaplisan lang ako ng bala sa braso. Walang problema.”
“Yon ang mali sa tinatawag na 'cool factor.' Para maging 'in' ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.”
“Hindi ako hihingi ng dispensa sa mga nabulabog kong konsensya.""Kung nasira ko man ang araw mo, o kung hindi mo ito inkinatuwa, malinaw na hindi ako ang tipo ng manunulat na gusto mong basahin. Pero hindi ito nangangahulugan ng pagkakakumpiska ng ballpen at lisensya ko para magsulat."PERO"Kung may magsasabi mn sa hinaharap na: "sana nagpatawa ka na lang!" yun ay opinyong handa kong tanggapin.”
“Nasasaktan ako dahil sa kabila ng lahat, mahal ko ang Pilipinas.”
“And we don't ask: Anong produkto kaya ang naibenta sa akin ngayong araw nang hindi ko namalayan? Anong kaisipan? Anong ideya? Anong paniniwala? Anong ugali? Anong bagong pananaw sa mundo at sa mga kapwa ko? Hindi natin ito naitatanong pero andali-dali nating maimpluwensyahan.”