“the problem is, lahat na lang kasi ng pelikula pinipilit gawing pampamilya. one size fits all. kaya tuloy ang material for movies nagiging too mature for kids and too cheesy for adults.”
“Nalapa na ng komersyalismo ang sining. Kaya utot na lang nito ang nilalanghap natin ngayon.”
“Nilagyan lang ng konting moral lesson ang pelikula para hindi maging ganap na basura.”
“Di ko alam kung paano ie-explain, pero, para sa akin, ang bag ng babae ay simbolo ng kanyang daigdig. The mere fact na nag-decide ang babae na yun ang laman at bigat ng bag niya, 'yun ang personal nyang mundo. Kaya niya dinala yun kasi yun ang kaya nyang dalhin. Anytime, anywhere. Nadadala niya yun from point A to point B. Pero kapag nakakita na ng lalake, dapat lalake na ang magpatuloy ng pagdadala from point B to point C? Kapag umalis ba ang babae mula sa kanyang bahay, aware siya na may lalakeng magbibitbit ng bag niya? I don't think so. Even without the guy, dadalhin pa rin naman ng babae yun kahit saan siya magpunta. Kaya ako, hinahayaan ko lang bitbitin ng babae ang kanyang bag. Gusto kong sabihin sa kanya na with or without me, or each other, tuloy lang ang pagbibitbit ng mundo, ng kani-kaniyang daigdig.”
“Kaya nga sa fairy tale, lagi na lang sinasabing 'and they live happily ever after' kasi hindi maikwento ano talaga ang naging ending. Nung magpakasal ang prinsesang maganda sa isinumpang prinsipe na naging palaka na bumalik uli sa pagiging gwapo ng prinsipe(matapos mahalikan), hindi pa naman ending yun. Kalagitnaan pa lang ng buhay nila yun. Ilan ang anak nila? Nanganak kaya ang prinsesa ng butete? Ano ang nangyari sa kanila nung tumanda sila? Sino ang unang namatay? kahit nga ang buhay sa mundo, matapos di umano ang katapusan ng mundo, magsisimula uli ang tao sa bagong paraiso. Wala pa ring closure.”
“Pero kung lahat na lang sasabihan mo ng 'corny' kasi sosyal ka -- iba nga panlasa mo, mamamatay ka namang malungkot.”