“Isang beses lang tayo makapipili ng daan at pagkatapos noon, paulit-ulit na tayo sa daan na iyon- paikot-ikot, habang kinukumbinsi natin ang sarili na umuusad naman talaga tayo, na nagpapatuloy tayo, na mayroon tayong pinatutunguhan- kahit wala nga, wala naman talaga, paikot-ikot lang tayo sa iisang daan na noon, noong hindi natin alam, noong wala tayong kamalay-malay, ay nagpasya na pala tayo’t pinili nga ito.”

Edgar Calabia Samar

Edgar Calabia Samar - “Isang beses lang tayo makapipili...” 1

Similar quotes

“Mag-date tayo. Hinde ko mapropromise na hinde kita masasaktan pero susubukan kong hinde. Kilala mo naman ako eh.. Hinde ako sweet na tao. Kaya nga binansagan mo akong GANGSTER eh, dahil sa ugali ko. Let’s date again.. Wala ng deal.. Date lang naman eh.”

Bianca Bernardino
Read more

“I’ll wait for you.. I can do that, right? hihintayin kita hanggang sa magsawa ako kakaintay sayo.. hanggang sa mapagod ako.. hanggang sa mawalan na ako ng lakas kakaintay sayo..”“Wag na Athena.. please. Wag mo na akong intayin..”“Pero gusto ko.. Hayaan mo na lang akong mag hintay kahit na alam kong wala na akong iniintay pa.Tama na, please.. Wag mo na akong intayin.. yun na lang hinihiling ko..” he sighed while I cried. “Wag ka namang umiyak oh.. please..“Bakit hinde ako iiyak? Eh mawawala ka na sakin..” “Hinde naman ako mawawala eh..“Magkatabi naman tayo sa classroom diba? Magkakasama rin naman tayo.. Magkaibigan pa rin tayo..” naiyak ako lalo sa huling sinabi niya.. “I love you.. I’m sorry Athena.. Bye..”

Bianca Bernardino
Read more

“Alam mo ba kung gaano kahirap magpanggap na ok ka lang kahit hindi? Na masaya kahit gusto mo ng umiyak? Na umaasa kang magiging ok ang lahat kahit alam mong wala na talaga?”

Bianca Bernardino
Read more

“TANDAAN: your mind is your weapon. Pagyamanin natin ito at magiging handa tayo sa gulo na dulot ng paghihimagsik ng puso at bird.”

Ramon Bautista
Read more

“May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya. Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya? Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?”

Eros S. Atalia
Read more