“Pinapatawad natin ang kalungkutan ng iba kapag hindi sinasadya nating natatabig ang kanilang pag-iisa sa pagmamadali sa pagtawid sa lansangan, o natatagpuan natin silang nakadungaw din sa bangin gaya natin.”
“Lahat, may hinahanap. Pero iba ang natatagpuan nila sa huli. Pero masaya pa rin sila. Lagi pa rin silang masaya.”
“Isang beses lang tayo makapipili ng daan at pagkatapos noon, paulit-ulit na tayo sa daan na iyon- paikot-ikot, habang kinukumbinsi natin ang sarili na umuusad naman talaga tayo, na nagpapatuloy tayo, na mayroon tayong pinatutunguhan- kahit wala nga, wala naman talaga, paikot-ikot lang tayo sa iisang daan na noon, noong hindi natin alam, noong wala tayong kamalay-malay, ay nagpasya na pala tayo’t pinili nga ito.”
“Salita. Nakasalalay lang ang lahat ng nararamdaman sa narinig na salita, sa mga narinig na salita, sa kapangyarihan ng salita na lumikha ng iba't iba pang ilusyon. Minsan, salita rin, isang salita lamang, ang may kakayahang magwasak ng lahat ng mga binuo, binuno, subalit ng mga salita rin nga lamang.”
“Naisip kong hindi maaaring magkaroon ng perpektong buhay ang isang tao. Hindi natin makukuha ang lahat ng gusto natin. Hindi umaayon ang lahat sa kagustuhan natin. Walang exception doon.”
“Maraming mundo ang bawat tao. Gagawin mo iyon kung wala kang makapa. Dadagdagan mo kung kulang, hahanapin kapag nawawala. Kung matagpuan na, pilit iyong tatakasan ng mga duwag at wawaratin naman ng mga matatapang para makagawa ng iba.”
“kuhang-kuha natin ang mga katarantaduhan ng hollyeood, pero hindi ang kaunting pagiging responsable ng mga kanluraning bansa sa isyu ng pagtayo sa sariling paa.”