“...ang nabubuhay sa kahapon ay nabubuhay sa buntong hininga at ang nabubuhay sa kinabukasan ay nag-aaksaya ng hininga. Ngayon ako humihinga. Ngayon ako dapat mabuhay.”
“Siguro kaya naimbento ang salita’t konseptong closure ay para sa mga tinatamad malaman ang magiging wakas. Yung mga atat na atat malaman ang ending. Yung mga naburyong na sa pagkainip sa dapat kahinatnan. Kesa nga naman maghintay sa pagkahaba-haba’t pagkatagal-tagal ng ending, mabuti pang putulin nalang.”
“Marami sana akong dapat maging requirement sa babaeng pwedeng ipalit kay Jen. Kaso nagising na ako sa katotohanan, na sa itsura ko at sa laman ng bulsa ko9, pahirapang makukuha ang lahat ng gusto ko.”
“Hindi din ako nagpi-prisinta na dalhin ang gamit ng mga babae. Lalo na ang bitbitin ang kanilang shoulder bag. Hindi dahil ayokong isiping bading ako. Ang sa akin lang, nabuhat nga nila yung bag mula bahay hanggang school, tapos kapag nakakita ng lalake, bigla silang manghihina.”
“May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya. Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya? Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?”
“Kung ang paglilibang ay gamot na pampalimot, paniguradong maraming taong sasama ang loob na kalimutan na lang ang kagustuhang makalimot dahil sa mahal ang makalimot.”
“Di ko alam kung paano ie-explain, pero, para sa akin, ang bag ng babae ay simbolo ng kanyang daigdig. The mere fact na nag-decide ang babae na yun ang laman at bigat ng bag niya, 'yun ang personal nyang mundo. Kaya niya dinala yun kasi yun ang kaya nyang dalhin. Anytime, anywhere. Nadadala niya yun from point A to point B. Pero kapag nakakita na ng lalake, dapat lalake na ang magpatuloy ng pagdadala from point B to point C? Kapag umalis ba ang babae mula sa kanyang bahay, aware siya na may lalakeng magbibitbit ng bag niya? I don't think so. Even without the guy, dadalhin pa rin naman ng babae yun kahit saan siya magpunta. Kaya ako, hinahayaan ko lang bitbitin ng babae ang kanyang bag. Gusto kong sabihin sa kanya na with or without me, or each other, tuloy lang ang pagbibitbit ng mundo, ng kani-kaniyang daigdig.”