“Kung magkikita uli kami, bahala na uli si Batman. Ayokong paghandaan ang malayo sa katotohanan.”
“Kung ang paglilibang ay gamot na pampalimot, paniguradong maraming taong sasama ang loob na kalimutan na lang ang kagustuhang makalimot dahil sa mahal ang makalimot.”
“Kaya nga sa fairy tale, lagi na lang sinasabing 'and they live happily ever after' kasi hindi maikwento ano talaga ang naging ending. Nung magpakasal ang prinsesang maganda sa isinumpang prinsipe na naging palaka na bumalik uli sa pagiging gwapo ng prinsipe(matapos mahalikan), hindi pa naman ending yun. Kalagitnaan pa lang ng buhay nila yun. Ilan ang anak nila? Nanganak kaya ang prinsesa ng butete? Ano ang nangyari sa kanila nung tumanda sila? Sino ang unang namatay? kahit nga ang buhay sa mundo, matapos di umano ang katapusan ng mundo, magsisimula uli ang tao sa bagong paraiso. Wala pa ring closure.”
“Kahit nga ang buhay sa mundo, matapos di umano ang katapusan ng mundo, magsisimula uli ang tao sa bagong paraiso. Wala pa ring closure.”
“Hindi din ako nagpi-prisinta na dalhin ang gamit ng mga babae. Lalo na ang bitbitin ang kanilang shoulder bag. Hindi dahil ayokong isiping bading ako. Ang sa akin lang, nabuhat nga nila yung bag mula bahay hanggang school, tapos kapag nakakita ng lalake, bigla silang manghihina.”
“Pero kung meron talagang may himala, gusto kong muling makita’t makausap si Jen. At kapag nangyari ‘yun, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Huhubarin ko na ang kahihiyan ko. Itatapon ang pag-aastig-astigan. Hindi na baleng iwan nya sa huli kapag nalaman nyang mahal ko sya, na nababaliw na ako sa kanya, na gusto kong maging officially kami na. Kung sakaling magbago sya ng isip, na hindi nya na iiwan ang lahat ng nagmamahal o nababaliw sa kanya, kung sakaling hindi na rin sya nag-astig-astigan o nagmanhid-manhidan, isusumpa ko sa ngalan ng mga lamang lupang hindi matahimik sa pagmumura ko sa gabi at mamatay man ang lasenggero naming kapitbahay… Pukang ama… Hindi ko na sya pakakawalan.”
“Sabi ko noon, pag nagkita kami, marami akong itatanong at sasabihin. Pero ngayon, magkasama kami, ito lang ang mahalaga. Saka na halungkatin ang nakaraan. Saka na pagusapan ang hinaharap. Kaya siguro naimbento ang nakaraan para lingunin at kalimutan, ang hinaharap ay para tanawin at pangarapin.”