“Wala pa akong nakikitang aso na nagpapakitang-aso. Pero maraming taong nagkukunwaring tao.”
“Kung ang paglilibang ay gamot na pampalimot, paniguradong maraming taong sasama ang loob na kalimutan na lang ang kagustuhang makalimot dahil sa mahal ang makalimot.”
“Dati naman akong masaya bago pa siya dumating. Mas sumaya nga lang nung dumating siya. Pero bakit nung umalis siya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa siya dumating? Hindi kaya dahil imbes na isama ko siya sa daigdig ko, siya ang ginawa kong daigdig? Kung naging masaya ako bago siya dumating, pwede rin akong maging masaya kahit wala na siya. Hindi siya ang dahilan ng pag-inog ng mundo ko, hindi rin dapat siya ang dahilan ng pagtigil nito.”
“May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya. Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya? Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?”
“Kaugnay nito, tao lang yata ang may insecurities at ayaw nilang makitang may mas mahusay sa kanila. Yung mga hayop, kapag may hindi mapagkasunduan, wala nang bulung-bulungan o parinigan, upakan at banatan na agad.”
“Sabi ko noon, pag nagkita kami, marami akong itatanong at sasabihin. Pero ngayon, magkasama kami, ito lang ang mahalaga. Saka na halungkatin ang nakaraan. Saka na pagusapan ang hinaharap. Kaya siguro naimbento ang nakaraan para lingunin at kalimutan, ang hinaharap ay para tanawin at pangarapin.”
“Dati naman akong masaya bago pa dumating si Jen. Mas sumaya nga lang nang dumating siya. Pero bakit nang umalis siya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa siya dumating? Hindi kaya dahil imbes na isama ko si Jen sa daigdig ko, siya ang ginawa kong daigdig? Kung naging masaya ako bago dumating si Jen, pwede rin ako maging masaya kahit wala na siya. Hindi siya ang dahilan ng pag-inog ng mundo ko, hindi rin dapat siya ang dahilan ng pagtigil nito.”