“Mabuti na nga siguro yung ganito, na papaniwalain ko sya na hindi ko sya mahal at baka sakali, sa ganitong pamamaraan ay minamahal nya ako.”
“Pero kung meron talagang may himala, gusto kong muling makita’t makausap si Jen. At kapag nangyari ‘yun, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Huhubarin ko na ang kahihiyan ko. Itatapon ang pag-aastig-astigan. Hindi na baleng iwan nya sa huli kapag nalaman nyang mahal ko sya, na nababaliw na ako sa kanya, na gusto kong maging officially kami na. Kung sakaling magbago sya ng isip, na hindi nya na iiwan ang lahat ng nagmamahal o nababaliw sa kanya, kung sakaling hindi na rin sya nag-astig-astigan o nagmanhid-manhidan, isusumpa ko sa ngalan ng mga lamang lupang hindi matahimik sa pagmumura ko sa gabi at mamatay man ang lasenggero naming kapitbahay… Pukang ama… Hindi ko na sya pakakawalan.”
“Natapos din ang unos. Pero iba na 'ko ng makaraos. Iba na ang tingin ko sa mundo. 'Yung ibang pananaw ko, bumuti, 'yung iba...hindi ako sigurado.”
“Mas sumaya nga lang nang dumating sya. Pero bakit nung umalis sya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa sya dumating?”
“May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya. Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya? Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?”
“Saan ba ako pwedeng magpasya? Ang kaluluwa ko, kargo ng pari. Marka ko sa eskwelahan, nakasalalay sa dulo ng pulang ballpen ng titser ko. Yung gusto kong kurso, nakatali sa dulo ng bulsa ng tatay ko. Yung kalayaan ko, kahit bahagya ko palang nagagamit ay pinutol na nila. Sila na rin ang nagbigay ng bagong kahulugan nun, kahit hindi kami kinonsulta.”