“Totoo pala na kulang ang salita para sa lahat ng nararamdaman.”
“Salita. Nakasalalay lang ang lahat ng nararamdaman sa narinig na salita, sa mga narinig na salita, sa kapangyarihan ng salita na lumikha ng iba't iba pang ilusyon. Minsan, salita rin, isang salita lamang, ang may kakayahang magwasak ng lahat ng mga binuo, binuno, subalit ng mga salita rin nga lamang.”
“Nasa isip ng lahat na ang gobyerno, bilang isang institusyong likha ng tao, ay nangangailangan ng tulong ng lahat, nangangailangan ito ng magpapakita at magpapaalam sa mga tunay na pangyayari.”
“Inibig ko siya ng buong puso, inibig ko ang lahat sa kanya -- pero hindi sapat ang magmahal para masiguro ang pangako ng magpakailanman.”
“Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang writer. Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang patigilin ang dyip, ilabas ang lihim ng mga pasahero, pabuhusin ang ulan upang linisin ang mga basura sa palibot, ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan.”
“Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya o masaktan o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.”