“Ito ang inabot ng kanyang karunungan patungkol sa dagat: ito ay malaki, maalat at doon nakatira ang mga isda.”
“Ang dalisay na hanging ito at ang mga batong itong napakalilinis ay mapupuno ng karbon, ng mga kahon at bariles, ng mga bunga ng sipag ng tao.”
“Mahirap tanggapin ang katotohanan. May mga pagkakataon na kinakailangan mong dumaan sa mga karanasanang magtuturo sa yo ng tama. Minsan masasaktan ka lalo at minsan din ay lalo mo lang mauunawaan ang tunay dahilan kung bakit nangyayari ang mga naranasan at nararanasan mo. Maaaring sa pamamagitan ng (mga) tao, (mga) bagay, o (mga) pangyayari.Ang pinakamainam na lang na gawin ay buksan ang puso at iproseso sa isip na ang lahat ng ito ay magandang idinulot at maidudulot sa buhay mo.”
“Ang kahapo'y saliga ng ngayon, at ang ngayo'y haligi ng kinabukasan. Gusto kong sabihi'y ang diwa ng ating mga bayaning nangabulid sa karimla'y siya ring dapat tumanglaw sa mga nagmamahal sa bayan sa panahong ito. Pagka't ang magiging bunga ng inyong mga gawai'y siyang magbibigay ng lakas sa hahaliling salin.”
“Kung meron kang gustong patunayan, ihanda nang bonggang-bongga ang sarili sa mga posibleng mangyari dahil siguradong may kapalit ito. Minsan ang kapalit ay maganda, minsan matamis. Pero minsan din ay mahapdi at minsan naman, maalat. As in.”
“Isa rin akong Espanyol, pero bago ang pagiging Espanyol ay tao ako at bago ang Espanya ay sa ibabaw ng Espanya ay ang kanyang dangal, ang matataas na prinsipyo ng moralidad, ang mga walang-hanggang prinsipyo ng hindi nagbabagong katarungan!”