“Kapag may mga uban na po akong tulad ng sa inyo at ginugunita ang nakaraan at makita kong gumawa ako alang-alang sa sarili lamang, hindi ginhawa ang magagawa't nararapat gawin ukol sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, ukol sa mga mamamayang tumutulong sa aking mabuhay, kapag nagkagayon po, magiging tinik sa akin ang bawat uban, at sa halip na ikaliwalhati ko'y dapat kong ikahiya.”

Jose Rizal
Success Neutral

Explore This Quote Further

Quote by Jose Rizal: “Kapag may mga uban na po akong tulad ng sa inyo … - Image 1

Similar quotes

“Ilang dantaon po mula ngayon, kapag naliwanagan at natubos na ang sangkatauhan, kapag wala nang mga lahi, kapag malaya na ang lahat ng mga bayan, kapag wala nang nang-aalipin at napaaalipin, mga kolonya at mga metropolis, kapag naghahari na ang iisang katarungan at ang bawat isa'y mamamayan na ng daigdig, tanging ang pagsampalataya po sa siyensiya ang malalabi. Magiging singkahulugan ng bulag na pagsamba ang patriyotismo at sinumang magmagaling na nagtataglay ng katangiang ito ay walang alinlangang ibibilanggo na tulad ng isang may nakahahawang sakit, isang manliligalig sa kaayusang lipunan.”


“Mga mamamayan din ang mga bumubuo ng gobyerno at sila ang higit na nakapag-aral.' 'Ngunit tulad po ng ibang tao, nagkakamali kaya hindi dapat maging bingi sa kuro-kuro ng iba.”


“Naglalaho sa loob ng klase ang mga hadlang na itinatayo ng politika upang hatiin ang mga lahi, natutunaw wari sa alab ng kaalaman at kabataan.”


“Ang mga henyong ipinapalagay ng mga karaniwang tao na nauna sa kanilang panahon ay nagmistulang gayon sapagkat tinatanaw ng mga humahatol mula sa malayo o napagkakamalang isang buong siglo ang buntot na tinatahak ng mga naiwanan.”


“Walang maitutugon ang wika sa tanong ng pag-ibig buhat sa isang sulyap na kumikislap o palihim. Sa halip, sumasagot ang ngiti, ang halik, o ang bugtonghininga.”


“Nawalan muli ng isang oras ang buhay ng bawat kabataan, saka isang bahagi ng kaniyang karangalan at paggalang sa sarili, at kapalit ang paglaki sa kalooban ng panghihina ng loob, ng paglalaho ng hilig sa pag-aaral, at pagdaramdam sa loob ng dibdib.”