“Ang realidad ng buhay ay ganito: magulo, masaya, maitim, maputi, mabaho, mabango, iba-iba, hindi pwedeng PINK lang lagi.”
“May mga librong magkakasundo ang sinasabi, at meron din namang mga nagpapatayan ng opinyon. May libro para sa kahit anong edad, kasarian, lahi, relihiyon, edukasyon, at katayuan sa buhay. May mahal at mura, malaki at maliit, makapal at manipis, pangit at maganda, mabango at mabaho, may kwenta at wala.Lahat meron. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng mga tao. Utak ng tao. Dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.”
“May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya. Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya? Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?”
“Natapos din ang unos. Pero iba na 'ko ng makaraos. Iba na ang tingin ko sa mundo. 'Yung ibang pananaw ko, bumuti, 'yung iba...hindi ako sigurado.”
“Lahat, may hinahanap. Pero iba ang natatagpuan nila sa huli. Pero masaya pa rin sila. Lagi pa rin silang masaya.”
“Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may deperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba.”