“Hinahawakan s'ya ni Ding kung saan-saan. Dito, d'yan... at nai-imagine niya si Raffy na hinahawakan din si Elinor dito at diyan. Hinahalikan sa buhok, sa mata, sa bibig, sa leeg, sa dibdib, sa tiyan, sa mas mababa pa sa tiyan... sa lahat ng putang'nang parte ng katawan ng putang'nang Elinor!”
“Minsa'y naiisip n'ya na sana kung may operasyon sa utak at may operasyon sa puso sana'y may operasyon din na magbubura ng masasakit na alaala sa utak at puso ng tao magtatanggal sa parte ng utak at puso na sisidlan ng mga gunitang dapat nang kalimutan.”
“Maaring Bartolo ang apelyido ko o Cruz o Santos-- pero apelyido 'yon na minana ko lang sa tatay ko, at minana ng tatay ko sa tatay niya. Oo nga pala,bakit puro sa tatay nagmamana ng apelyido? Bakit kahit minsan, hindi sa nanay?”
“Ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos. (Tranquil shores are only for those who boldly oppose raging waves during storms.)”
“Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contests? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro, gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila.Karaniwan na ina lan ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya'n mo Baya'n mong mabilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ang tropeo, gusto ng nanay ang karangalan.”
“Yan daw alak at gamot at pagkaapi, nakakasanayan. Kalaunan daw, hindi ka na tatablan pa. Pero hindi totoo 'yon. Lalo na sa kaso ng pagkaapi.”
“Napakaraming magaling na bagay ang dapat uliranin ng Pilipinas sa Amerika. Sa kasamaang palad, tulad ng ipinangamba ni Rizal, and unang pinulot ay ang masasamang halimbawa, ang mga bisyo at kahinaan. Tinangka ng karamihang Pilipino na magbuhay-Amerikano sa wika, sa damit, sa kilos at ugali, gayong ito’y hindi maaari kalian pa man. Pilit na ipinatatakwil sa kabataan ang huwad ng gaslaw at ikot ng sa banyaga, walang nais panoorin kundi mga laro, pelikula at ibang libangang dayuhan, walang nais basahin kundi mga babasahing sinulat ng dayo at limbag sa labas ng Pilipinas. Saan patutungo ang kabataang may ganitong kamulatan?”