“Hindi achievement ang tawag ko sa gano'n. Suwertihan lang 'yong ipinanganak ka nang maganda. Ang achievement e something you work hard to attain.”
“Ang maganda sa pag-asa, hindi ‘to nakukuha sa’yo nang hindi mo gusto.”
“Sa nakikita ko sa’yo, nauntog ka na at na-realize mo nang infatuated ka lang sa kanya. Alam mo kasi Jelle, kapag nagkagusto ka sa isang lalaki o kapag mahal mo ang isang lalaki, wala ang standard-standard na ‘yan.”
“Hindi para sa tamad ang pagsusulat dahil pag binisita ka ng idea, gana o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. Walang “sandali lang” o “teka muna”. Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.”
“Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot. Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam kung ano ang iyong itatanong? Paano mo sasagutin ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang tanong. (Kunsabagay, sa buhay na ito, madalas, tama ang sagot, mali nga lang ang tanong).”
“Lumala ang late, dumami ang absences. ‘Yan ang katangian ng 2 sem ko. Pero noong panahon na ‘yon hindi ko pa rin alam kung ano na nangyayari sa pag-aaral ko. May isang bagsak na subject, pero ayos lang. Kumbaga sa action film e, nadaplisan lang ako ng bala sa braso. Walang problema.”