“Look what's happening around us: war, hunger, poverty, epidemics... tapos, ang iniisip natin, pagandahan? My God, Pilar; ang importante sa tao'y ang kabuuan niya bilang tao... hindi kung maganda ba ang mukha niya o makinis ba ang kanyang binti!”
“Tinawag niya ang luho ng 'pangangailangan'.”
“Pero ang babae (ang tao, for that matter), talian man ang katawan o suutan ng chastity belt, ay may uri ng kalayaang hindi mananakaw ng kahit sino; ang kalayaan niyang mag-isip.”
“Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contests? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro, gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila.Karaniwan na ina lan ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya'n mo Baya'n mong mabilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ang tropeo, gusto ng nanay ang karangalan.”
“Hindi achievement ang tawag ko sa gano'n. Suwertihan lang 'yong ipinanganak ka nang maganda. Ang achievement e something you work hard to attain.”
“Maaring Bartolo ang apelyido ko o Cruz o Santos-- pero apelyido 'yon na minana ko lang sa tatay ko, at minana ng tatay ko sa tatay niya. Oo nga pala,bakit puro sa tatay nagmamana ng apelyido? Bakit kahit minsan, hindi sa nanay?”
“Totoong mahal pa rin ang galunggong at wala pa ring makain ang mga nagtatanim ng bigas. At iyon mismo ang dahilan kaya patuloy ang pagtatanim ng mga pangarap... patuloy ang pagsulong ng mga adhikain. Pero hindi isang lipunan ng mga desaparesido ang nalikha ng lahat ng pakikipaglaban... kundi isang buong magiting na kasaysayan.”