“Para kay Lea, maruming tingnan ang isang batang naka-make up at lipstick. Imbis na makaganda'y sinisira nito ang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyo ng kamunduhan at karanasan.”
“Nalilimot ng bawat isa sa inyo na habang napag-iingatan ang isang bayan ang kaniyang wika, napag-iingatan din nito ang katibayan ng kaniyang paglaya, katulad ng pagpapanatili ng isang tao sa kaniyang kasarinlan, upang mapanatili niya ang kaniyang sariling paraan ng pag-iisip. Ang wika ang pag-iisip ng bayan.”
“Totoong mahal pa rin ang galunggong at wala pa ring makain ang mga nagtatanim ng bigas. At iyon mismo ang dahilan kaya patuloy ang pagtatanim ng mga pangarap... patuloy ang pagsulong ng mga adhikain. Pero hindi isang lipunan ng mga desaparesido ang nalikha ng lahat ng pakikipaglaban... kundi isang buong magiting na kasaysayan.”
“Nawalan muli ng isang oras ang buhay ng bawat kabataan, saka isang bahagi ng kaniyang karangalan at paggalang sa sarili, at kapalit ang paglaki sa kalooban ng panghihina ng loob, ng paglalaho ng hilig sa pag-aaral, at pagdaramdam sa loob ng dibdib.”
“Nasa isip ng lahat na ang gobyerno, bilang isang institusyong likha ng tao, ay nangangailangan ng tulong ng lahat, nangangailangan ito ng magpapakita at magpapaalam sa mga tunay na pangyayari.”
“Ano sa makatwid ang isang Unibersidad? Isang institusyon para hindi matuto? Nagtitipon-tipon ba ang ilang tao sa ngalan ng kaalaman at pagtuturo para hadlangang matuto ang iba?”