“Tama na sa akin 'yung maligaya ako paminsan-minsan. Para kapag malungkot ako, masasabi ko sa sarili ko: Minsan naman, maligaya rin ako.”
“May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya. Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya? Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?”
“Natapos din ang unos. Pero iba na 'ko ng makaraos. Iba na ang tingin ko sa mundo. 'Yung ibang pananaw ko, bumuti, 'yung iba...hindi ako sigurado.”
“I’ll wait for you.. I can do that, right? hihintayin kita hanggang sa magsawa ako kakaintay sayo.. hanggang sa mapagod ako.. hanggang sa mawalan na ako ng lakas kakaintay sayo..”“Wag na Athena.. please. Wag mo na akong intayin..”“Pero gusto ko.. Hayaan mo na lang akong mag hintay kahit na alam kong wala na akong iniintay pa.Tama na, please.. Wag mo na akong intayin.. yun na lang hinihiling ko..” he sighed while I cried. “Wag ka namang umiyak oh.. please..“Bakit hinde ako iiyak? Eh mawawala ka na sakin..” “Hinde naman ako mawawala eh..“Magkatabi naman tayo sa classroom diba? Magkakasama rin naman tayo.. Magkaibigan pa rin tayo..” naiyak ako lalo sa huling sinabi niya.. “I love you.. I’m sorry Athena.. Bye..”
“Alam ko, may mas malaki pang mundo na naghihintay kong magalugad, madaanan, matapakan o masulyapan man lang. Pupunta rin ako dyan. Hinay-hinay lang. Dayuhan pa ako sa sarili kong mundo. Parang alien.”
“Mabuti na nga siguro yung ganito, na papaniwalain ko sya na hindi ko sya mahal at baka sakali, sa ganitong pamamaraan ay minamahal nya ako.”