“Yan daw alak at gamot at pagkaapi, nakakasanayan. Kalaunan daw, hindi ka na tatablan pa. Pero hindi totoo 'yon. Lalo na sa kaso ng pagkaapi.”

Lualhati Bautista

Explore This Quote Further

Quote by Lualhati Bautista: “Yan daw alak at gamot at pagkaapi, nakakasanayan… - Image 1

Similar quotes

“Sabi ng nanay ko, 'yan daw totoo... di raw dapat ikahiya!""E kung magnanakaw ka, di mo ikakahiya?""Sabi ng nanay ko, kung ikakahiya mo... h'wag mong gagawin!”


“Maaring Bartolo ang apelyido ko o Cruz o Santos-- pero apelyido 'yon na minana ko lang sa tatay ko, at minana ng tatay ko sa tatay niya. Oo nga pala,bakit puro sa tatay nagmamana ng apelyido? Bakit kahit minsan, hindi sa nanay?”


“Totoong mahal pa rin ang galunggong at wala pa ring makain ang mga nagtatanim ng bigas. At iyon mismo ang dahilan kaya patuloy ang pagtatanim ng mga pangarap... patuloy ang pagsulong ng mga adhikain. Pero hindi isang lipunan ng mga desaparesido ang nalikha ng lahat ng pakikipaglaban... kundi isang buong magiting na kasaysayan.”


“Minsa'y naiisip n'ya na sana kung may operasyon sa utak at may operasyon sa puso sana'y may operasyon din na magbubura ng masasakit na alaala sa utak at puso ng tao magtatanggal sa parte ng utak at puso na sisidlan ng mga gunitang dapat nang kalimutan.”


“Hinahawakan s'ya ni Ding kung saan-saan. Dito, d'yan... at nai-imagine niya si Raffy na hinahawakan din si Elinor dito at diyan. Hinahalikan sa buhok, sa mata, sa bibig, sa leeg, sa dibdib, sa tiyan, sa mas mababa pa sa tiyan... sa lahat ng putang'nang parte ng katawan ng putang'nang Elinor!”


“Klik! Anak ko 'yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko 'yon! Klik! Narinig n'yo ba? Anak ko 'yon!Klik! Klik!Anak ko sa labas. 'Yong batang konti ko nang tinunaw no'ng araw. Kundi ko lang naisip na lahat ng bata'y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.”