“Pakiramdam ko e andami kong naiisip na dehins magawa dahil alang deadline. Nasanay ata ko sa school tsaka sa trabaho na lahat may deadline. E yung nga naiisip ko tuloy na sariling projects di ko matapos kasi walang deadline.”
“Mabuti na nga siguro yung ganito, na papaniwalain ko sya na hindi ko sya mahal at baka sakali, sa ganitong pamamaraan ay minamahal nya ako.”
“Pero kung meron talagang may himala, gusto kong muling makita’t makausap si Jen. At kapag nangyari ‘yun, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Huhubarin ko na ang kahihiyan ko. Itatapon ang pag-aastig-astigan. Hindi na baleng iwan nya sa huli kapag nalaman nyang mahal ko sya, na nababaliw na ako sa kanya, na gusto kong maging officially kami na. Kung sakaling magbago sya ng isip, na hindi nya na iiwan ang lahat ng nagmamahal o nababaliw sa kanya, kung sakaling hindi na rin sya nag-astig-astigan o nagmanhid-manhidan, isusumpa ko sa ngalan ng mga lamang lupang hindi matahimik sa pagmumura ko sa gabi at mamatay man ang lasenggero naming kapitbahay… Pukang ama… Hindi ko na sya pakakawalan.”
“Saan ba ako pwedeng magpasya? Ang kaluluwa ko, kargo ng pari. Marka ko sa eskwelahan, nakasalalay sa dulo ng pulang ballpen ng titser ko. Yung gusto kong kurso, nakatali sa dulo ng bulsa ng tatay ko. Yung kalayaan ko, kahit bahagya ko palang nagagamit ay pinutol na nila. Sila na rin ang nagbigay ng bagong kahulugan nun, kahit hindi kami kinonsulta.”
“Natapos din ang unos. Pero iba na 'ko ng makaraos. Iba na ang tingin ko sa mundo. 'Yung ibang pananaw ko, bumuti, 'yung iba...hindi ako sigurado.”
“Lumala ang late, dumami ang absences. ‘Yan ang katangian ng 2 sem ko. Pero noong panahon na ‘yon hindi ko pa rin alam kung ano na nangyayari sa pag-aaral ko. May isang bagsak na subject, pero ayos lang. Kumbaga sa action film e, nadaplisan lang ako ng bala sa braso. Walang problema.”