“Sa nakikita ko sa’yo, nauntog ka na at na-realize mo nang infatuated ka lang sa kanya. Alam mo kasi Jelle, kapag nagkagusto ka sa isang lalaki o kapag mahal mo ang isang lalaki, wala ang standard-standard na ‘yan.”
“Kapag sumablay ka, isipin mo na lang na nagsimula ka din naman sa wala at walang nagbago.”
“Jelle, if you really love Guji, you’d be willing to let him go and allow him to be happy with the woman he loves. Walang problema kung nais mong ipaglaban ang feelings mo pero dapat alam mo rin kung paano sumuko lalo na kung alam mong talo ka na.”
“So, okay ka na? Aba, dapat lang ‘no? Pagkatapos mong basain ang polo shirt ko at pagkatapos kitang yakapin, dapat lang na maging okay ka na.”
“Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot. Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam kung ano ang iyong itatanong? Paano mo sasagutin ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang tanong. (Kunsabagay, sa buhay na ito, madalas, tama ang sagot, mali nga lang ang tanong).”
“Imposibleng mahalin o magustuhan mo ang isang puke kung galit ka sa bulbol.”
“Manghihinayang ka, tapos maiinis ka sa buhay tapos maiiyak ka tapos magagalit ka. Tapos mare-realize mo, wala ka palang magagawa. Hanggang ganyan lang ang papel mo: ang makaramdam ng ganitong emosyon sa ganitong pagkakataon,”