“So, okay ka na? Aba, dapat lang ‘no? Pagkatapos mong basain ang polo shirt ko at pagkatapos kitang yakapin, dapat lang na maging okay ka na.”
“Imbis na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’, bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s’ya.”
“Yon ang mali sa tinatawag na 'cool factor.' Para maging 'in' ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.”
“Sa nakikita ko sa’yo, nauntog ka na at na-realize mo nang infatuated ka lang sa kanya. Alam mo kasi Jelle, kapag nagkagusto ka sa isang lalaki o kapag mahal mo ang isang lalaki, wala ang standard-standard na ‘yan.”
“Alam mo ba kung gaano kahirap magpanggap na ok ka lang kahit hindi? Na masaya kahit gusto mo ng umiyak? Na umaasa kang magiging ok ang lahat kahit alam mong wala na talaga?”
“Sa larangan ng sports, may panalo at may talo,” Pacquiao said. “Dapat handa ka rin na tanggapin kapag dumating na ang panahon na talo.”