“Hindi ako naniniwala sa fate, destiny at soul mates. Ang mundo ay binubuo ng mga pangyayaring random na kaganapan. Bahala ka sa buhay mo.”
“Mahirap tanggapin ang katotohanan. May mga pagkakataon na kinakailangan mong dumaan sa mga karanasanang magtuturo sa yo ng tama. Minsan masasaktan ka lalo at minsan din ay lalo mo lang mauunawaan ang tunay dahilan kung bakit nangyayari ang mga naranasan at nararanasan mo. Maaaring sa pamamagitan ng (mga) tao, (mga) bagay, o (mga) pangyayari.Ang pinakamainam na lang na gawin ay buksan ang puso at iproseso sa isip na ang lahat ng ito ay magandang idinulot at maidudulot sa buhay mo.”
“Hindi ako hihingi ng dispensa sa mga nabulabog kong konsensya.""Kung nasira ko man ang araw mo, o kung hindi mo ito inkinatuwa, malinaw na hindi ako ang tipo ng manunulat na gusto mong basahin. Pero hindi ito nangangahulugan ng pagkakakumpiska ng ballpen at lisensya ko para magsulat."PERO"Kung may magsasabi mn sa hinaharap na: "sana nagpatawa ka na lang!" yun ay opinyong handa kong tanggapin.”
“Pag di mo na nadarama'ng mga kapakinabangan ng buhay at ang buhay ay wala nang kapakinabangan sa'yo, dapat ka nang mamatay. 'Yong pinakamabuting maaaring mangyari sa'yo, sa gano'ng kalagayan.”
“Isa rin akong Espanyol, pero bago ang pagiging Espanyol ay tao ako at bago ang Espanya ay sa ibabaw ng Espanya ay ang kanyang dangal, ang matataas na prinsipyo ng moralidad, ang mga walang-hanggang prinsipyo ng hindi nagbabagong katarungan!”
“Dahil sa pagsusulat, masasagi mo ang mga matatayog na egotismo ng ibang tao. Matatapakan mo ang mga lumpong paa ng kasalukuyang sistema. At maiistorbo mo ang siesta ng lipunang masaya na sa mga paniniwalang kinagisnan nito. Sa pagpahid ng utak mo sa papel, lahat yan babanggain mo. Kasabay ng pagbangga mo sa sariling mga takot, kamangmangan at egotismo.”