“Naniniwala ako na may tatlong decision making bodies ang mga tao. Utak, puso at bird.”
“Minsa'y naiisip n'ya na sana kung may operasyon sa utak at may operasyon sa puso sana'y may operasyon din na magbubura ng masasakit na alaala sa utak at puso ng tao magtatanggal sa parte ng utak at puso na sisidlan ng mga gunitang dapat nang kalimutan.”
“May mga librong magkakasundo ang sinasabi, at meron din namang mga nagpapatayan ng opinyon. May libro para sa kahit anong edad, kasarian, lahi, relihiyon, edukasyon, at katayuan sa buhay. May mahal at mura, malaki at maliit, makapal at manipis, pangit at maganda, mabango at mabaho, may kwenta at wala.Lahat meron. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng mga tao. Utak ng tao. Dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.”
“Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya o masaktan o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.”
“Hindi ako naniniwala sa fate, destiny at soul mates. Ang mundo ay binubuo ng mga pangyayaring random na kaganapan. Bahala ka sa buhay mo.”
“Mahirap tanggapin ang katotohanan. May mga pagkakataon na kinakailangan mong dumaan sa mga karanasanang magtuturo sa yo ng tama. Minsan masasaktan ka lalo at minsan din ay lalo mo lang mauunawaan ang tunay dahilan kung bakit nangyayari ang mga naranasan at nararanasan mo. Maaaring sa pamamagitan ng (mga) tao, (mga) bagay, o (mga) pangyayari.Ang pinakamainam na lang na gawin ay buksan ang puso at iproseso sa isip na ang lahat ng ito ay magandang idinulot at maidudulot sa buhay mo.”