“Isang beses lang tayo makapipili ng daan at pagkatapos noon, paulit-ulit na tayo sa daan na iyon- paikot-ikot, habang kinukumbinsi natin ang sarili na umuusad naman talaga tayo, na nagpapatuloy tayo, na mayroon tayong pinatutunguhan- kahit wala nga, wala naman talaga, paikot-ikot lang tayo sa iisang daan na noon, noong hindi natin alam, noong wala tayong kamalay-malay, ay nagpasya na pala tayo’t pinili nga ito.”