“Hindi pagkain ang kailangan ng mga kababayan natin. Ang kailangan nila ay labanan ang tunay na dahilan kung bakit wala silang makain!”
“Totoong mahal pa rin ang galunggong at wala pa ring makain ang mga nagtatanim ng bigas. At iyon mismo ang dahilan kaya patuloy ang pagtatanim ng mga pangarap... patuloy ang pagsulong ng mga adhikain. Pero hindi isang lipunan ng mga desaparesido ang nalikha ng lahat ng pakikipaglaban... kundi isang buong magiting na kasaysayan.”
“Ang bawa't bayani ay may kaukulang panahon, kung panong ang kapanahunan at mgapangyayaring umiiral ay lumilikha ng mga bayaning kailangan niya.”
“Mahirap tanggapin ang katotohanan. May mga pagkakataon na kinakailangan mong dumaan sa mga karanasanang magtuturo sa yo ng tama. Minsan masasaktan ka lalo at minsan din ay lalo mo lang mauunawaan ang tunay dahilan kung bakit nangyayari ang mga naranasan at nararanasan mo. Maaaring sa pamamagitan ng (mga) tao, (mga) bagay, o (mga) pangyayari.Ang pinakamainam na lang na gawin ay buksan ang puso at iproseso sa isip na ang lahat ng ito ay magandang idinulot at maidudulot sa buhay mo.”
“Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.”
“Pinapakita nyong mga dayuhang libro pa rin at mga dayuhang libro lang ang tinatangkilik ng mga tao. Bakit magsusugal ang mga publisher sa Pilipinong manunulat kung hindi naman pala mabili ang mga kwentong isinusulat ng mga Pilipino? At kung walang mga publisher na tatanggap ng mga trabaho ng mga Pilipinong manunulat, sino pa ang gugustong magsulat? Kung walang magsusulat, ano ang kahihinatnan ng panitikan sa bansa at sa kakayanan nating bumasa't sumulat?”