“Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang writer. Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang patigilin ang dyip, ilabas ang lihim ng mga pasahero, pabuhusin ang ulan upang linisin ang mga basura sa palibot, ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan.”

Ricky Lee

Explore This Quote Further

Quote by Ricky Lee: “Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyar… - Image 1

Similar quotes

“Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya o masaktan o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.”


“Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.”


“Hindi pagkain ang kailangan ng mga kababayan natin. Ang kailangan nila ay labanan ang tunay na dahilan kung bakit wala silang makain!”


“Ang Pilipino sabi ni Trono kay Giselle, at sa kumpulan ng mga kinkilig na kababaihan, ay pinaghalo-halong dugo. Sumasamba ng sabay-sabay kay Buddha at kay Kristo at sa mga anting-anting at Feng Shui. Sa dami ng nagsasabi sa kanya kung ano siya, nakalimutan na niya kung sino siya.”


“Pinapakita nyong mga dayuhang libro pa rin at mga dayuhang libro lang ang tinatangkilik ng mga tao. Bakit magsusugal ang mga publisher sa Pilipinong manunulat kung hindi naman pala mabili ang mga kwentong isinusulat ng mga Pilipino? At kung walang mga publisher na tatanggap ng mga trabaho ng mga Pilipinong manunulat, sino pa ang gugustong magsulat? Kung walang magsusulat, ano ang kahihinatnan ng panitikan sa bansa at sa kakayanan nating bumasa't sumulat?”


“Salita. Nakasalalay lang ang lahat ng nararamdaman sa narinig na salita, sa mga narinig na salita, sa kapangyarihan ng salita na lumikha ng iba't iba pang ilusyon. Minsan, salita rin, isang salita lamang, ang may kakayahang magwasak ng lahat ng mga binuo, binuno, subalit ng mga salita rin nga lamang.”