“Kaloka! Ito ba ang Pilipinas na gustong iligtas nina Lola Sepa at Emil? Iligtas mula saan? Kung sarili nga ayaw nitong iligtas! Ang gusto lang ng mga ito'y kumain, tumae, mag-Glutathione, saka pumunta sa weekend markets, mag-malling para makalibre ng air-con, mag-text ng corny jokes, sumingit sa pila ng bigas, saka umasa ng suwerte sa lotto o sa TV! Kapag may bagyo o lindol o anumang problema'y laban pero susuko din agad at makakalimot, o kaya ay magma-migrate! Ilang taon na ba ang bansang ito pero bakit hanggang ngayo'y wala pa ring pinagkatandaan?”
“Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon… ”
“Hindi ako hihingi ng dispensa sa mga nabulabog kong konsensya.""Kung nasira ko man ang araw mo, o kung hindi mo ito inkinatuwa, malinaw na hindi ako ang tipo ng manunulat na gusto mong basahin. Pero hindi ito nangangahulugan ng pagkakakumpiska ng ballpen at lisensya ko para magsulat."PERO"Kung may magsasabi mn sa hinaharap na: "sana nagpatawa ka na lang!" yun ay opinyong handa kong tanggapin.”
“pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.”
“...pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.”
“Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contests? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro, gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila.Karaniwan na ina lan ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya'n mo Baya'n mong mabilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ang tropeo, gusto ng nanay ang karangalan.”